Mikey, TNT tahimik pa
MANILA, Philippines — Tahimik pa ang kampo nina Mikey Williams at Talk ’N Text Tropang Giga kung ang basketball career sa PBA ng una ang usapan.
Mismong si Tropang Giga head coach Chot Reyes na ang nagkumpirma na hindi pa nito nakakausap si Williams.
Nilinaw ni Reyes na bukas ito sa pakikipag-usap kay Williams.
“I’m just one message or one call away,” ani Reyes.
Nanood si Williams sa laban ng TNT at Barangay Ginebra noong Biyernes sa Philsports Arena sa Pasig City.
Naipanalo ng Tropang Giga ang laban sa iskor na 91-86 para umangat sa 6-2 rekord.
Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Williams at Tropang Giga.
Matapos ang matikas na ratsada ni Williams kasama ang Tropang Giga sa 2023 PBA Govenors’ Cup, hindi na bumalik pa sa Pilipinas ang Filipino-American cager.
Dahil dito, tinapos ng Tropang Giga ang kontrata ni Williams.
Subalit nananatiling hawak ng TNT ang karapatan nito kay WIlliams..
Nilinaw ni Williams na wala itong sama ng loob sa TNT at nais nitong makasama ang team sa mga susunod na laban nito,
Subalit may mga bagay na kailangang plantsahin bago ito mangyari.
- Latest