Nicolas 2nd place sa Praque Open chessfest
MANILA, Philippines — Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Nika Juris Nicolas matapos ang second place finish nito sa katatapos na Prague Open 2025 23rd International Chess Festival na nilaro sa Czech Republic kamakalawa ng gabi.
Nilahukan ng 12-year-old na si Nicolas ang tournament na 2000 FIDE rating and below para labanan ang malalakas woodpusher.
Sa katunayan kasalo ni Nicolas sa No. 2 sina German Adreas Schindele, Czech Frantisek Korenek at Petr Hrebicek at Georgian Giorgi Bekauri na may tig-pitong puntos pero nakopo ang second place matapos ipatupad ang tie-break points.
Nasungkit ni Greek Spyridon Ilandzis ang korona sa nirehistrong 7.5 points.
Nilista ni Nicolas ang six wins at dalawang draws at isang talo, nasikwat din nito ang best female player at No. 1 sa 1600-1699 rating category.
Panibagong international trophy ito na naiuwi ni Nicolas matapos sikwatin ang dalawa sa Chinese Taipei noong June at sa Krakow, Poland nakaraang taon.
- Latest