Pagbabalik ni Butler sa Heat diniskaril ng Nuggets
MIAMI - Pinalawig ni Nikola Jokic ang kanyang NBA-leading 17th triple-double ng season tampok ang pagbibida ni Jamal Murray na humataw ng 30 points at hiyain ng Denver Nuggets ang pagbabalik ni Jimmy Butler sa 133-113 panalo laban sa Heat.
Nagkuwintas si Jokic ng 24 points, 12 rebounds, 10 assists.
Tumapos si Tyler Herro ng 22 points para sa Miami habang nagtala si Butler ng 18 markers sa kanyang unang laro sa Heat matapos masuspindi ng pitong araw dahil sa ‘conduct detrimental to the team’.
Sa Los Angeles, tinagpas ng Dallas Mavericks ang kanilang three-game losing streak matapos nilang pabagsakin ang Oklahoma Thunder, 106-98.
Bawas ang armas ng Thunder dahil hindi nakalaro ang kanilang star-player na si Shai Gilgeous-Alexander na sinamantala naman ito ng Mavs para ilista ang 23-19 baraha at pagandahin ang kanilang seventh-place sa Western Conference division.
Sa New York, minarkahan ni Julius Randle ang kanyang pagbabalik sa Madison Square Garden sa 116-99 panalo ng Minesota Timberwolves laban sa kanyang dating koponan na Knicks.
- Latest