Sato puwede nang maglaro sa Chery
MANILA, Philippines — Hindi na maghihintay pa si Risa Sato dahil maaari na itong masilayan sa aksiyon suot ang Chery Tiggo jersey sa pagbabalik-aksiyon ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Sariwa pa sa pagpirma ng bagong kontrata si Sato sa kampo ng Crossovers.
At wala itong malalabag na anumang PVL rules kung saan hindi pinahihintulunan ang sinumang player na naka-lineup sa kaniyang pinanggalingang team para maglaro sa bagong team na lilipatan nito.
Noong nakaraang taon ay marami na ang nakapansin na hindi kasama si Sato sa lineup ng Cool Smashers para sa All-Filipino Conference.
Ayon sa balita, hiniling ni Sato na huwag na itong isama sa lineup dahil mapapaso na ang kontrata nito sa pagtatapos ng taong 2024.
Pumayag naman ang pamunuan ng Cool Smashers at binigyan ito ng release papers.
- Latest