^

PM Sports

Cignal HD tatapusin ang isyu

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gumagawa na ng hakbang ang pamunuan ng Cignal HD Spikers para tuldukan ang isyu sa management contract nina outside hitter Ces Molina at middle blocker Riri Meneses.

Base sa statement, sumulat sa Cignal ang Avior Talent Management na siyang humahawak kina Mo­lina at Meneses noong Enero 6 upang tuldukan na ang lahat dahil plano ng dalawa na masubukang makapaglaro sa abroad.

“We are currently consulting our legal team to de­termine all possible courses of action regarding this material breach of both players’ contracts,” ayon sa statement ng Cignal.

Pormal nang nagtapos ang kontrata kina Molina at Meneses noong Disyembre 31, 2024.

Ngunit nilinaw ng Cignal na sinubukan nitong ma­­­­kipag-usap sa grupo nina Molina at Meneses para ma-renew ang kontrata ng dalawa.

Subalit hindi sumasagot ang kampo nina Molina at Meneses.

Hindi na rin sumipot sa ensayo ng HD Spikers sina Molina at Meneses sapul nang magbalik-training ang kanilang team ngayong linggo.

Kaya naman pinag-aaralan na ng pamunuan ng Cig­nal kung ano ang magiging aksiyon nito laban kina Molina at Meneses.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with