^

PM Sports

Daquis, Dela Cruz lalaro na sa Foxies

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bukod kay Lorene Toring ay inaasahan ding maglalaro para sa Farm Fresh sina Rachel Anne Daquis at Jolina Dela Cruz sa pagbabalik ng 2024-25 PVL All-Filipino Confe­rence sa Enero 18.

Sa halip na maglaro sa Foxies ay mas pinili ni Daquis na magpakondis­yon, habang nakarekober na si Dela Cruz mula sa isang ACL injury noong Nobyembreng 2023 habang naglalaro para sa F2 Logistics Cargo Movers.

Nagmula rin si Toring sa isang ACL injury noong 2023.

“I think may go-signal na silang lahat,” wika ni interim coach Benson Bocboc kina Daquis, Dela Cruz at Toring sa isang Farm Fresh interview.

“Hopefully enough ‘yung time para makapag­laro kaagad sila pagbalik ng New Year but definitely within the month,” dagdag nito.

Sa pagpapatuloy ng torneo sa Enero 18 ay lalabanan ng Foxies (2-3) ang kulelat na Nxled Chameleons (0-5) sa ala-1:30 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Maghaharap sa alas-4 ng hapon ang ZUS Coffee Thunderbelles (2-3) at Choco Mucho F­lying Titans (3-3) kasunod ang upakan ng PLDT High Speed Hitters (3-2) at Akari Charges (3-3) sa alas-6:30 ng gabi.

Samantala, inaasahang pormal na ihahayag ng Chery Tiggo (4-2) ang paglipat sa kanila ni Risa Sato matapos maglaro sa nagdedepensang Creamline (4-0).

RACHEL ANNE DAQUIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with