^

PM Sports

Heat sinunog ang Warriors

Pang-masa
Heat sinunog ang Warriors
Nag-dive si Heat forward Jaime Jaquez Jr. para ma­agaw ang bola kay Warriors guard Dennis Schröder.

SAN FRANCISCO — Kumolekta si Bam Adebayo ng 19 points, 9 rebounds at 5 assists para banderahan ang Miami Heat sa 114-98 paggupo sa Golden State Warriors.

Tinapos ng Heat (18-17) ang kanilang three-game losing skid.

Nag-ambag si Nikola Jovic ng 20 points at may 18 markers si Jaime Jaquez Jr.

Umiskor si Stephen Curry ng 31 points habang may 19 markers si Trayce Jackson-Davis para sa Warriors (18-18) na nakahugot kay Draymond Green ng 7 points, 10 rebounds at 10 assists.

Nagmula ang Golden State sa isang 30-point lost sa Sacramento Kings noong Linggo.

Sa New Orleans, bumira si Anthony Edwards ng 32 points tampok ang pitong 3-pointers sa 104-97 pagdaig ng Minnesota Timberwolves (19-17) sa Pelicans (7--30).

Sa Salt Lake City, isinalpak ni Trae Young ang isang buzzer-beating 3-pointer mula sa halfcourt line sa 124-121 pagtakas ng Atlanta Hawks (19-18) sa Utah Jazz (9-26).

Sa Dallas, naglista si Quinten Grimes ng 26 points, 9 rebounds at 6 assists para wakasan ng Mavericks (21-16) ang five-game losing skid sa 118-97 panalo sa Los A­ngeles Lakers (20-16).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with