^

PM Sports

Ravena nagpasiklab sa Japan

Chris Co - Pang-masa
Ravena nagpasiklab sa Japan
Kiefer Ravena in the FIBA Asia Cup in Jakarta, Indonesia
FIBA

MANILA, Philippines — Inilabas ni Kiefer Ravena ang bagsik nito upang tulungan ang Yokohama B-Corsairs sa 79-75 pananaig kontra sa Nagasaki Velca sa Japan B.League na ginanap sa Happiness Arena sa Nagasaki.

Bumanat ang dating Ateneo Blue Eagles standout ng 12 puntos, limang assists, dalawang rebounds at isang steal para tulungan ang bisitang B-Corsairs na makuha ang panalo kontra sa Nagasaki.

Nakatulong ni Ravena si French import Damien Inglis na may double-double na 23 points, 15 rebounds, dalawang assists at isang steal.

Nasa Nagasaki squad naman si Gilas Pilipinas standout AJ Edu na nagkasya lamang sa siyam na puntos, pitong rebounds, apat na assists, dalawang blocks at isang steal.

Dahil sa panalo, umangat ang Yokohama sa 10-17 rekord para okupahan ang ika-17 puwesto.

Lumasap naman ang Nagasaki ng ikalawang dikit na kabiguan para malaglag sa ika-14 posisyon tangan ang 13-14 baraha.

Sa kabilang banda, hindi pinalad ang tropa ni Kai Sotto na Koshigaya Alphas matapos yumuko sa Mikawa sa Kariyashi Taiikukan Arena.

Nagsumite ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 10 puntos, walong rebounds at apat na assists para sa Alphas.

Nalugmok ang Alphas sa 8-19 marka para magkasya sa ika-20 puwesto.

KIEFER RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with