^

PM Sports

Batang Manda bumandera sa taong 2024

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi man nakakuha ng kahit isang leg na pa­nalo sa Triple Crown ay ma­tagumpay pa rin ang taong 2024 para sa connec­tions ng kabayong Batang Manda.

Ito ay dahil nasungkit ng Batang Manda ang pres­tihiyosong karera ng taon na Presidential Gold Cup na inilarga sa Metro Turf sa Malvar, Tanauan City sa Batangas noong Dis­yembre 8.

Tatlong beses sumu­bok ang Batang Manda na makapanalo sa Triple Crown pero nabigo ito.

Sa 3rd Leg ay su­me­gunda lang ang pambato ni horse owner Benjamin Abalos Jr.

Pero sa PGC stakes race ay muling sinak­yan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema ang Batang Manda at naipanalo nito ng ban­derang tapos.

Maganda ang pagka­kadala ni Dilema sa Ba­tang Mandana ipinuwesto pa rin sa unahan ang ginawang diskarte at na­tipid nito ang lakas ng ka­bayo kaya pagsapit ng rektahan ay nakatagal sila sa unahan sa karerang inisponsora ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tumataginting na P7.2 milyon ang napanalunan ng Batang Manda ka­ya masaya ang naging Pas­ko ng Abalos stable na kinabibilangan ng trainer, jockey, sota at iba pang nag-aalaga sa kabayo.

Dahil sa panalo ay ma­uukit ang pangalan ng Ba­tang Manda sa history ng karera at maisasama sa kuwentuhang ng mga PGC winners.

Kaya posibleng mag-uumento pa ang husay ng Batang Manda sa 2025.

Bukod sa PGC ay nai­­panalo rin ni Dilema ang Open Billing sa 11th Pasay “The Travel City” Grand Cup na inilarga rin sa nasabing petsa.

Nakopo rin ng winning horse owner na si Abalos ang P600,000.

RACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with