^

PM Sports

Yulo pararangalan sa PSA

Russell Cadayona - Pang-masa
Yulo pararangalan sa PSA
Carlos Edriel Yulo

MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan si gymnast Carlos Edriel Yulo matapos maging kauna-unahang Filipino athlete na nagwagi ng dalawang gold medals sa isang Olympic Games.

Pinagharian ng 24-anyos na si Yulo ang men’s floor exercise at vault finals para sa karangalan ng Pilipinas sa quadrennial event.

Dahil dito ay hinirang si Yulo bilang 2024 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) para sa darating na Awards Night sa Enero 27 sa grand ballroom ng Manila Hotel.

Ang tubong Leveriza, Manila ang unang gymnast matapos si Pia Adelle Reyes noong 1997 na gagawaran ng Athlete of the Year award ng pinakamatandang media organization sa bansa sa traditional gala night na suportado ng San Miguel Corporation at co-presen­ted ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest.

“From a great Olympic performance to an even greater Olympic show, and from one big breakthrough to an even bigger breakthrough – thanks to Carlos Yulo whose giant feat we will celebrate in handling him our highest accolades,” sabi ni PSA President Nelson Beltran, ang sports editor ng The Philippine Star, sa pagbibigay sa Filipino gymnast ng highest individual honor ng sports writing community,

Bukod sa Athlete of the Year, ilang tropeo rin ang ipamimigay sa formal presentation na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, ni Senator Bong Go at ng Januarius Holdings bilang major sponsors kasama ang mga minor sponsors na PBA, PVL, 1-Pacman Party List, AcroCity, Rain or Shine at Akari.

Ang NSA of the Year, ang mga Major Awardees sa iba pang sports, ang President’s Award, Executive of the Year, Citations, Tony Siddayao Awards at ang Hall of Fame at Special Recognition sa mga Filipino Olympians – Paris Olympics at Paralympics – ay igagawad sa event na kumikilala sa mga pinakamahuhusay na atleta at personalidad sa Philippines sports para sa taong 2024.

Ang tagumpay ni Yulo sa Paris ay sumunod sa pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas sa 2020 Tokyo Olympics nang pagreynahan niya ang women’s 55kg class final.

Sa Japanese capital din ang naging Olympic debut ni Yulo kung saan siya bigong makakuha ng medalya sa men’s vault finals.

Matapos ang apat na taon ay nakabalik si Yulo sa Olympics at inangkin ang makasaysayang dalawang gold medal ng bansa sa Paris.

 

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with