Haybol ni Doncic ninakawan
DALLAS — Ninakawan ang bahay ni Luka Doncic ng Mavericks.
Si Doncic ang pinakabagong professional athlete na pinagnakawan.
Tinangay ng mga magnanakaw ang mga alahas ni Doncic na nagkakahalaga ng $30,000.
Walang tao sa bahay ng Slovenian cager.
“I’ve reached out to Luka and talked to him after that incident,” wika ni Dallas coach Jason Kidd kay Doncic bago nila labanan ang Portland Trail Blazers.
Ang 25-anyos na si Doncic ang ikaanim na pro athlete sa U.S. na ninawakan simula noong Oktubre.
Ang mga nauna ay sina star NFL quarterbacks Patrick Mahomes ng Kansas City, Joe Burrow ng Cincinnati at Travis Kelce ng Mahomes, Milwaukee Bucks forward Bobby Portis at Minnesota Timberwolves point guard Mike Conley Jr.
- Latest