Outreach Program ng CPC matagumpay
MANILA, Philippines — Hindi sa hardcourt nagtatapos ang first-semester events ng UAAP Season 87 at NCAA Season 100.
Sa ikalawang sunod na taon ay nagdaos ng Outreach Program ang Collegiate Press Corps (CPC) sa Concordia Children’s Services sa Maynila para sa mga ulilang kabataan ngayong Kapaskuhan.
Pagkilala ito ng grupo, binubuo ng print at online media sa likod ng UAAP at NCAA, sa pagtatapos ng mga naturang torneo at papasok sa ikalawang semester ng athletic season sa dalawa sa pinakamalaking collegiate leagues sa bansa.
Pinagwagian ng UP Fighting Maroons ang UAAP Season 87 men’s basketball, reyna naman sa women’s division ang NU Lady Bulldogs, habang hari ng NCAA Season 100 men’s ang Mapua Cardinals.
Sa pagkakataong ito, nagkapit-bisig ang tatlong koponan pati na ang kanilang mga kasama sa UAAP at NCAA sa pagbibigay ng tulong sa ampunan ng Concordia.
Kaakibat ang CPC ay umulan ng donasyon sa ampunan tampok ang mga sako-sakong bigas, frozen at canned goods, tinapay, itlog at iba pang pagkain hindi lamang ngayong Pasko kundi pati sa darating na pasukan.
Nagsalo rin ang mga CPC members kasama ang staff ng Concordia at mga kabataan sa pagkaing inihanda pagkatapos ng masayang programa tampok ang bibong mga clowns sa kanilang mga palaro at magic shows.
“Sports is a gift that keeps on giving and there’s no better time to champion this than Christmas time. We hope for this advocacy to be an annual foray in the long list of Collegiate Press Corps’ programs, through the help of course of our partners from the UAAP, NCAA and the entire sporting community,” ani CPC president John Bryan Ulanday ng Philippine Star.
Nakatuwang ng CPC sa proyekto ang UAAP at UAAP, si UP champion coach Goldwin Monteverde, ang San Miguel Corporation, ang Philippine Sports Commission, ang Philippine Sportswriters Association, ang 1-PACMAN Partylist, Cignal, NBA Philippines, Milo Philippines, si NorthPort coach Bonnie Tan at ang UP Office of Athletics and Sports Development.
- Latest