^

PM Sports

UAAP Yearender: Cagulangan, QMB bumida sa UP

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maliban sa pagsilo ng University of the Philippines ng pang-apat nilang titulo sa UAAP Season 87 collegiate men’s basket­ball ay naging masagana rin ang 2024 para sa mga in­dividual players.

Tulad nina JD Cagula­ngan at Quentin Millora-Brown na naging susi ng Fighting Maroons para kalusin sa Game 3 thriller ang De La Salle University, 66-62, sa best-of-three finals series.

Maganda ang na­ging basketball career ni Cagulangan sa taong 2024 dahil iiwanan niya ang UP bilang kampeon.

Bukod sa pagkopo ng 5-foot-10 guard sa kanyang pangalawang korona sa UP ay nahirang siyang Finals MVP matapos magtala ng mga averages na 13.7 points, 4.3 rebounds, 4.7 assists, 1.3 steals at 0.7 blocks.

“Wala akong masabi kundi thank you, sobrang happy na napunta ako sa programang ito.” ani Ca­gu­langan, “Deserve ng UP na manalo this season. Gusto ko mag-thank you kay coach Gold.”

Para naman kay Mil­lora-Brown, hindi rin ni­to makakalimutan ang ta­gumpay nito sa 2024, masaya nitong iiwanan ang UP at magagandang alaala bilang athlete at es­tudyante.

Sinabi ni Millora-Brown na tama ang na­ging desisyon niyang mag­laro at mag-aral sa UP upang ipagpatuloy ang pamana ng kanyang pamilya.

Inspirasyon ng 6-foot-10 Fil-Am ang kanyang lolong si Dr. Angel Millo­ra na isang UP alumnus at nagtapos sa UP College of Me­dicine noong 1963.

“I thank my Lolo, I hope he’s been watching down from Heaven with my Lola up in Heaven. It’s the greatest ending to my short UAAP career.” ani Millora-Brown. “I just had a big smile after the buzzer. Basketball was one of his passions, along with medicine.”

Kalmado si Millora-Brown sa clutch matapos magsalpak ng mahahala­gang free throws.

Samantala, ma­nanatili sa puso ni Millora-Brown ang maayos na relasyon sa kanyang mga teammates, coaches at management.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with