Pacers kinana ang ika-4 sunod
SACRAMENTO, Calif. — Nagposte si power forward Pascal Siakam ng 19 points at 10 rebounds at dinomina ng Indiana Pacers ang second half para patumbahin ang host team na Kings, 122-95.
Umiskor si Siakam ng 13 points matapos ang halftime kung saan nagtala ang Indiana (14-15) ng 70 points kumpara sa 43 markers ng Sacramento (13-17) matapos magtabla sa first half, 52-52.
May 15 points si center Myles Turner para sa visiting team na nagposte ng 35 assists..
“We brought it from start to finish,” sabi ni reserve Ben Sheppard na nagdagdag ng 14 markers. “The energy we brought, both the bench and the starters, it was a great team win.”
May 14 points din si Tyrese Haliburton, habang naglista si T.J. McConnell ng 12 points at 10 assists mula sa bench.
Kumonekta ang Pacers ng 17 three-points para sa kanilang season-high na ikaapat na sunod na arangkada.
Nagtala si De’Aaron Fox ng 23 points para sa ikaapat na dikit na kamalasan ng Kings na nakahugot kay Domantas Sabonis ng 17 points at 21 rebounds para sa kanyang pang-walong sunod na double-double
Kinuha ng Indiana ang 87-78 abante papasok sa fourth quarter para kunin ang 21-point lead.
Sa Toronto, kumamada si Dillon Brooks ng 27 points, habang may 22 markers si Fil-Am Jalen Green para sa 114-110 pagpapabagsak ng Houston Rockets (19-9) sa Raptors (7-22).
Ito ang unang panalo ng Houston sa Toronto sa nakaraang limang taon.
Sa New Orleans, kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 27 points, 13 rebounds at 10 assists sa 132-129 overtime victory ng Denver Nuggets (15-11) sa Pelicans (5-25).
- Latest