^

PM Sports

Basketball career ni Amores tapos na?

Russell Cadayona - Pang-masa
Basketball career ni Amores tapos na?
John Amores
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinansela kahapon ng Games and Amusement Board (GAB) ang lisensya ni NorthPort guard John Amores.

Ito ay matapos makum­pleto ng GAB ang kanilang imbestigasyon sa kinasangkutang shooting incident ni Amores at ng kapatid niyang si John Red noong Setyembre sa Lumban, La­­guna.

“The respondent’s license is revoked effective immediately,” pahayag ng GAB sa kanilang inilabas na Case No. 109-4.

Ang six-page decision ay prmado nina chairman Francisco Rivera at Commissioners Manuel Plaza III at Angel Bautista.

Dahil dito ay hindi na papayagang maglaro ang 24-anyos na si Amores sa PBA at sa alinmang mga pro­fessional basketball league sa bansa.

Nauna nang sinuspinde ng PBA ang produkto ng Jose Rizal Heavy Bombers sa kabuuan ng kasaluku­yang Season 49 Commissioner’s Cup nang walang su­weldo.

Inutusan din siyang su­mailalim sa counselling pa­ra sa kanyang “anger and violent tendencies.”

Unang nasangkot sa gu­lo si Amores sa NCAA Season 98 kung saan niya sinugod ang bench ng College of St. Benilde at pinagsusuntok ang mga nakitang Blazers players.

Dahil dito ay tinanggal siya sa Heavy Bombers.

Pinili siya ng NorthPort bilang No. 51 sa 2023 PBA Draft.

JOHN AMORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with