Wemby nagtala ng 10 blocks vs Blazers
SAN ANTONIO — Umiskor si Victor Wembanyama ng30 points at dinuplika ang kanyang career high 10 blocks para gabayan ang Spurs sa 114-94 paggupo sa Portland Trail Blazers
Nagdagdag din si Wembanyama ng pitong rebounds at ipinahinga sa 8 :30 minuto ng fourth quarter kung saan lamang na ng malaki ang San Antonio (15-13) sa Portland (9-19).
Ang 7-foot-2 at 21-anyos na si Wembanyama ang unang player na nagtala ng apat na three-pointers at 10 blocks sa isang laro sa NBA history.
Nag-ambag si Charles Bassey ng 16 points at 12 rebounds at may 11 markers si Devin Vassell para sa ikaapat na sunod na panalo ng Spurs sa kanilang duwelo ng Trail Blazers.
Pinamunuan ni Shaedon Sharpe ang Portland sa kanyang 25 points, habang may 18 markers si Anfernee Simons.
Sa Chicago, nagkadena si Jayson Tatum ng season-high 43 points, 16 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong career triple-double sa 123-98 pagligpit ng nagdedepensang Boston Celtics (22-6) sa Bulls (13-16).
Nauna nang tinalo ng Chicago ang Boston noong Huwebes.
Sa New Orleans, iniskor ni Jalen Brunson ang 29 sa kanyang season-high 39 points sa second half para ihatid ang New York Knicks (18-10) sa 104-93 pagdaig sa Pelicans (5-24).
Sa Dallas, naglista si Quentin Grimes ng 20 points mula sa bench para akayin ang Mavericks (18-10) sa 113-97 pananaig sa Los Angeles Clippers (16-13).
Sa Phoenix, tumipa si Cade Cunningham ng 28 points at 13 assists para pangunahan ang Detroit Pistons (12-17) sa 133-125 pagpapalubog sa Suns (14-13).
- Latest