Peralta bumuhat ng gold sa Asian youth

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang kaban ng Pinoy junior weightlif­ting team matapos angkinin ang ikaapat na gintong me­dalya sa 2024 Asian Youth Weightlifting Championships sa Doha, Qatar.

Galing ang ginto kay Jhodie Peralta na nangibabaw sa Youth Women’s 55-kilogram category.

Pinagreynahan ni Peral­ta ang total matapos bumuhat ng 184 kg.

Tinalo ni Peralta sina Ko­yel Bar ng India na nag­kasya sa pilak matapos maglista ng 182 kg at Luong Thi Thanh Tuyen ng Viet­nam na nagtala naman ng 178 kg para sa tansong medalya.

Nagkasya lang si Pe­ral­ta sa pilak sa clean and jerk bunsod ng nakuha ni­tong 100 kg.

Sa snatch bumuhat ito ng 84 kg.

Sumalang din si Peralta sa women’s junior 55 kg event kung saan nagtala ito ng parehong 184 kg. ngu­nit nagtapos lamang ito sa ika­apat na puwesto.

Nangibabaw sa natu­rang event si Chen Guan-Ling ng Chinese-Taipei na may impresibong 214 kg.

Sa kabuuan ay may apat na gintoang Team Phi­lippines sa na­turang torneo.

Show comments