Belangel, Alvano kabilang sa KBL All-Star Game

SJ Belangel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iwawagayway nina SJ Belangel at Ethan Alvano ang bandera ng Pilipinas sa 2024-2025 Korean Basketball League (KBL) All-Star Game matapos makasama sa Top 20 ng botohan.

Nagtapos sa ika-9 na puwesto si Alvano ng Wonju DB Promy habang ika-14 naman si Belangel ng Daegu KOGAS Pegasus para mapasali sa exhibition game na gaganapin sa Enero 19 sa Busan Sajik Gym sa South Korea.

Nakalikom ang Fili­pino-American ace na si Alvano ng 37,900 na boto sa fans at 49 mula sa mga kapwa manlalaro para sa panibagong parangal bilang All-Star matapos sukbitin ang Season MVP plum.

Si Alvano, tubong California, ang kauna-una­hang non-Korean MVP sa kasay­sayan ng KBL.

Ngayong season ay nagrerehistro siya ng 15.6 points, 3.3 rebounds, 5.2 assists at 1.8 steals para sa Wonju na may 9-10 kartada sa ika-5 puwesto.

Nakaipon naman ng 37,007 fan votes at 31 na boto mula sa players si Belangel na tumitikada ng 13.4 points, 3.2 rebounds, 4.8 assists and 1.4 steals para sa Pegasus na may 11-8 kartada para sa ika-3 puwesto.

Nanguna sa botohan ang beterano ng national team na sa Lee Kwan-Hee na ika-6 ng Changwon LG Sakers sa nahakot na 80,987 fan at 55 player votes. (

Show comments