^

PM Sports

FiberXers rumesbak sa road warriors

John Bryan Ulanday - Pang-masa
FiberXers rumesbak sa road warriors
Umiskor sa loob si Converge guard Alec Stockton laban sa NLEX.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Converge ang ngitngit nito sa NLEX, 102-91, para makabalik agad sa win column ng 2024 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Naghasik ng 37 puntos, 18 rebounds, 2 steals at 2 tapal si Cheick Diallo upang trangkuhan ang rebound win ng FiberXers at bigyan sa wakas ng unang panalo sa PBA ang No. 1 rookie pick na si Justine Baltazar.

Matatandaang nadiskaril ang debut ni Baltazar, 2-time champion at 2-time MVP ng Pampanga G­iant Lanterns sa MPBL, matapos ang 108-101 na kabiguan kontra sa unbeaten na NorthPort noong nakaraang linggo.

Hindi pa rin gaanong nakapagpakitang-gilas sa 4 points, 7 rebounds at 4 assists si Baltazar su­balit nakakuha ng solidong suporta mula sa ibang FiberXers upang masungkit ang debut win.

May 16 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals si Alec Stockton habang may 14 puntos, 4 rebounds at 11 assists naman si Jordan Heading.

Nag-ambag din ng 10 puntos si King Caralipio habang may 8 at 6 puntos sina Schonny Winston at Kevin Racal, ayon sa pagkakasunod.

Angat sa 3-2 baraha ang Converge dahil sa panalo na minitsahan nila sa unang salang agad.

Sa bandera ni Diallo, umariba sa 28-18 na iskor ang mga bataan ni coach Franco Atienza at hindi na lumingon pa tungo sa madaling tagumpay.

Hindi na nakaahon pa ang Road Warriors para sa ikalawang sunod nitong pagkatalo.

 

NLEX

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with