Thunder swak sa NBA Cup Finals
LAS VEGAS — Iniskor ni Shai Gilgeous-Alexander ang 20 sa kanyang 32 points sa second half para pagbidahan ang 111-96 panalo ng Oklahoma City Thunder sa Houston Rockets patungo sa NBA Cup championship.
Dadalhin ng Thunder (20-5) ang kanilang five-game winning streak sa pagsagupa sa Milwaukee Bucks sa one-game finals sa Miyerkules.
Ang nasabing title game ay hindi ibibilang sa league standings.
Nagdagdag si Isaiah Hartenstein ng 21 points para sa Oklahoma City habang may 20 at 19 markers sina Jalen Williams at Luguentz Dort, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Amen Thompson ang Houston (17-9) sa kanyang 19 points at kumolekta si Alperen Sengun ng 13 points at 11 rebounds.
Mula sa 41-42 halftime deficit ay humataw ang Thunder sa third period patungo sa 97-82 pag-iwan sa Rockets sa huling 4:57 minuto ng fourth quarter.
Bumanat ang Oklahoma City ng kabuuang 70 points sa second half kumpara sa 54 markers ng Houston.
Samantala, sinuwag ng Bucks (14-11) ang 110-102 panalo kontra sa Atlanta Hawks (14-13) sa kanilang semifinals duel.
Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 14 rebounds, 9 assists at 4 blocks para sa Bucks.
Nag-ambag si Damian Lillard ng 25 points at 7 assists para sa Bucks na tinalo ng Indiana Pacers sa nakaraang NBA Cup semis.
- Latest