^

PM Sports

San Miguel balik sa winning form

John Bryan Ulanday - Pang-masa
San Miguel balik sa winning form

MANILA, Philippines — Matagumpay ang na­ging pagbabalik ni Leo Austria bilang head coach ng San Miguel matapos ang 106-88 panalo kontra sa Terrafirma sa 2024 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Sta­dium sa Maynila.

Ibinalik ng SMB bilang chief tactician si Austria kapalit ni Jorge Gallent at hindi niya bi­nigo ang Beermen sa ma­ugong na comeback upang magaba­yan sila sa tagumpay matapos ang dalawang sunod na ka­bi­gu­an.

Head coach ng SMB si Austria tampok ang siyam na titulo simula noong 2014 bago maitalagang team consultant noong na­karaang taon.

Bumida sa pagbabalik ni Austria si import Torren Lorenzo Jones na may 24 points, 13 rebounds, 3 assists at 1 block para ma­kabalik sa winning column ang SMB sa 2-2 matapos tumaob kontra sa NLEX, 104-99, at Rain or Shine, 107-93.

Nakatulong niya si 8-time PBA MVP June Mar Fajardo na may 21 points, 19 rebounds at 7 assists.

Umalalay sina CJ Pe­rez, Juami Tiongson at Don Trollano na may 16, 12 at 10 points, ayon sa pag­kakasunod.

Kontra sa Dyip, hindi agad nakaratsada ang Beermen sa first half nang lumamang lang ng 47-39 bago tuluyang nilasing ang karibal sa second half kung saan sila umabante ng hanggang 21 puntos.

Ito ang unang paghaha­rap ng dalawang koponan matapos ang trade tampok sina Tiongson at Andreas Ca­hi­lig pa-SMB kapalit nina Terrence Romeo at Vic Ma­nuel.

Laglag sa 0-5 ang Dyip sa kabila ng hinakot na 18 points at 18 rebounds ni Brandon Walton-Edwards at 14 markers ni Mark No­noy.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with