Worshipful Master wagi sa Pasay City Calixto Cup
MANILA, Philippines — Napalaban nang todo ang Worshipful Master bago nakuha ang panalo sa 11th Pasay City Calixto Cup sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Umarangkada paglabas ng aparato ang Worshipful Master pero mas matulin ang Every Sweat Counts kaya nakuha ng huli ang bandera at hiwakan ang dalawang kabayo ang agwat sa unang kurbada.
Pagsapit ng kalagitnaan ng karera ay nasa unahan pa rin ang Every Sweat Counts, pangalawa ang Worshipful Master, habang tersero ang Bill Jordan.
Papalapit ng far turn ay kumuha na ng unahan ang Worshipful Master, nasa pangalawa naman ang Bill Jordan at pangatlo ang Diamond Heart.
Tatlong kabayo ang lamang ng Worshipful Master kay Bill Jordan sa home turn pero nagkapanabayan sa rektahan.
Kayugan sa unahan bago umungos ng leeg ang Worshipful Master sa Bill Jordan pagtawid ng meta.
- Latest