^

PM Sports

UP ayaw nang maulit ang bangungot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikapin ni JD Cagulangan na hindi na mauulit ang bangungot nila sa hu­ling dalawang seasons.

Itotodo ni Cagulangan ang kanyang lakas para akbayan ang University of the Philippines laban sa defending champion De La Salle University sa Game 2 ng UAAP Season 87 men’s basketball finals na lalaruin ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi makakalimutan ng Fighting Maroons ang season 85 matapos manalo sa Game 1 ay nalugmok sila Games 2 at 3 laban sa Ateneo de Manila University at naulit ito sa season 86 kontra De La Salle University.

At dahil muli silang nagwagi sa Game 1 nang paluhurin nila ang Green Archers, 73-65 noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum ay sisiguruhin ni Cagulangan na mag-iiba ang ihip ng hangin ngayong season.

“Gagawin ko yung lahat and hope manalo kami,” ani Cagulangan na kumana ng 13 puntos sa panalo nila kontra Green Archers.

Magsisimula ang bakbakan ng UP at DLSU sa alas-5:30 ng hapon, isang panalo na lang ang Fighting Maroons at ikakahon na nila ang korona sa kanilang best-of-three series.

Inamin ni Cagula­ngan na pinaghandaan na rin nila ang gagawin na adjustments sa Game 2 dahil tiyak na ganoon din ang ginagawa ng Green Archers.

Bukod kay Cagula­ngan huhugot din ng lakas ang Fighting Maroons kina Quentin Millora-Brown, Francis Lopez at Gerry Abadiano para tapusin ang serye at masikwat ang inaasam na titulo.

Ibabangga naman ng Green Archers si Kevin Quiambao upang makahirit pa sila ng do-or-die Game 3.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with