^

PM Sports

4th win hangad ng Chery Tiggo

Russell Cadayona - Pang-masa
4th win hangad ng Chery Tiggo
Lalabanan ng Chery Tiggo ang Akari ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang upakan ng Petro Gazz ang PLDT Home Fibr sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pa­sig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magbabalik sa Metro Manila ang mga aksyon ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ma­tapos sa Cebu City no­­ong Sabado.

Lalabanan ng Chery Tiggo ang Akari ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang upakan ng Petro Gazz ang PLDT Home Fibr sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pa­sig City.

Sumasakay ang Cross­overs sa two-game win­ning run matapos matalo sa Cignal HD Spikers sa ikalawa nilang laro.

Lagapak naman sa dalawang dikit na kama­lasan ang Chargers maka­raan ang 3-0 panimula sa torneong pinagreynahan ng Creamline Cool Smashers noong nakaraang taon.

Umiskor ang Chery Tiggo ng 25-12, 25-23, 20-25, 25-22 panalo sa PLDT, habang bigo ang Akari sa Petro Gazz, 26-28, 27-29, 18-25, sa ka­ni­lang mga huling laban.

“Masaya po kami kasi lahat ng pinagtrabahuhan namin nung last few days, nagawa namin lahat ng plan namin, lahat ng sinabi ng coaches, and kung ano ‘yung pag-adjust namin sa kalaban,” ani Cess Robles na pumalo ng team-high 17 points mula sa 14 attacks at tatlong kill blocks sa pagdaig ng Crossovers sa High Speed Hitters.

Muling makakatuwang ni Robles sina Shaya Adorador, Ara Galang, Aby Marano, Pauline Gas­ton at Jen Nierva katapat sina Ivy Lacsina, Faith Nisperos, Eli Soyud, Kamille Cal at Erika Raagas ng Chargers.

Sa unang laro, puntir­ya ng Petro Gazz (3-1) ang ikatlong sunod na ratsada laban sa PLDT (3-1).

CHERY TIGGO

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with