^

PM Sports

Mas malakas na POC asahan — Tolentino

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas magiging agresibo si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Bambol Tolentino sa pagpapatupad ng solidong programa sa susunod na apat na taon na pamumuno nito.

Gamit ang Olympic motto na “Faster, Higher, Stronger-Together,” hangad ni Tolentino na mas mapalakas pa ang sports program sa bansa.

“Let us continue to strive for greater heights in the spirit of teamwork and perfection,” ani Tolentino kasama ang may tatlong dosenang national sports association leaders sa isang selebrasyon sa Hotel Okura Manila sa Pasay City.

Nagpasalamat ito sa lahat ng POC members na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga adhikain sa sports.

“I want to extend my heartfelt gratitude to all members of the Philippine Olympic Committee. Your dedication, hard work and unity have been instrumental in shaping the success of Philippine sports this year,” ani Tolentino.

Maraming pinagdaanan ang POC sa nakalipas na mga taon subalit mas lumutang ang tagumpay nito partikular na sa matagumpay na kampanya sa 2020 Tokyo Olympics at sa 2024 Paris Olympics.

“Together, we have overcome challenges, celebrated victories, and strengthened our commitment to suppor­ting our athletes and nation,” ani Tolentino.

Sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino, nasungkit ni Hidilyn Diaz ang unang gintong medalya ng Pilipinas noong 2020 Tokyo Games na sinundan ng dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Games.

Nakasama ni Tolentino sa selebrasyon sina newly-elected POC auditor Donaldo Caringal (volleyball) at Executive Board members Leonora Escollante (canoe-kayak-dragon boat), Leah Gonzalez (fencing), Alvin Aguilar (wrestling), Ferdinand Agustin (jiu-jitsu) at Alexander Sulit (judo), at si secretary-general Atty. Wharton Chan (kickboxing).

ABRAHAM BAMBOL TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with