UP, La Salle agawan sa 1-0 lead
MANILA, Philippines — Kikilatisin ng defending champion De La Salle University ang tikas ng University of the Philippines sa simula ng Game 1 ng Finals ng UAAP Season 87 men’s basketball championship na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum, ngayong araw.
Bentahe ang back-to-back title-seeking Green Archers sa head-to-head match nila sa Fighting Maroons dahil winalis nila ito sa elimination round, magsisimula ang kanilang best-of-three finals sa alas-5:30 ng hapon.
Pero wala sa line-up ng UP si Quentin Millora-Brown nang makaharap nila ang Green Archers sa second round habang si JD Cagulangan naman ang kulang sa kanilang armas sa first round dahil sa injury.
Alam naman ni DLSU head coach Topex Robinson ang mga nangyari sa kanilang sagupaan ngFighting Maroons kaya nakahanda ito.
“Again, what’s obvious during those first two meetings was, you know, UP didn’t have a complete lineup. I guess, that’s one thing we haven’t seen,” ani Robinson.
Sa preseason ay kinalos ng Fighting Maroons ang Green Archers kaya may tsansa silang makaisa sa Game 1.
Sasandalan ng DLSU sina reigning MVP Kevin Quiambao at Mike Phillips para masilo ang inaasam na panalo at mamuro sa pagsilo ng korona.
“It’s gonna challenge us and sabi nga namin we don’t really put so much on what the other team will do but we’re just gonna focus ourselves. And that’s what’s important for us,” pagtatapos ni Robinson.
- Latest