^

PM Sports

Mapua na?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula 2011, San Beda at Letran lang ang dalawang teams na nagpalitan ng pagsungkit ng NCAA championship.

Pero siguradong tapos na ang San Beda-Letran party dahil Mapua at St. Benilde ang naiwang magduwelo para sa 2024 crown.

At namumuro na ang Cardinals sa championship dahil nakauna ang mga bata ni coach Randy Alcantara sa best-of-three title playoffs.

Lintsak ang inilalaro ni Clint Escamis na nagpasabog ng 30 points sa Game One noong nakaraang araw sa Smart Araneta Coliseum.

Malaking sakit ng ulo ang Mapua hotshot para kay coach Charles Tiu.

Kung hindi ma-solve si Escamis, sasambulat ang euphoria ng kauna-una­hang championship para sa Ma­pua Cardinals sa ma­higit 30 years.

Endgame putback ni Benny Cheng ang nagbi­gay sa Cardinals ng kanilang huling kampeo­nato noong 1992 sa ilalim ni coach Joel Banal.

Back-to-back championships actually ang hi­natid ni Cheng at mga teammates sa Intramuros-based school.

Gasgas na gasgas na sa huntahang NCAA ang he­roics ni Cheng.

At matagal nang nagnanais mamahinga.

Nasa mga kamay ni Al­cantara at tropa kung magka­karoon ng bagong magandang kuwento ng Mapua.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with