^

PM Sports

KQ, Amos, Tamayo aasahan ng Gilas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi maikakaila na unti-unti nang lumalabas ang bagsik ng Gilas Pilipinas.

At naniniwala si head coach Tim Cone na mas magiging maganda ang kinabukasan ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na taon.

Isang dahilan nito ang mga bagitong miyembro ng tropa na nahahasa na agad sa malalaking laban gaya ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Partikular na tinukoy ni Cone sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao at Mason Amos na maganda ang ipinamalas sa 93-54 panalo ng Gilas sa Hong Kong.

Sa 17 minutong pagla­laro ni Tamayo, gumawa ito ng 16 puntos at limang rebounds.

“In the first half, he got out, he hit a three-point shot, he went to the basket, he had a post-up, he had an offensive rebound, all scores. And that’s what we are looking for from our young guys,” ani Cone.

Matikas din ang inilaro nina, Quiambao at Amos na nabigyan ng playing time matapos hindi masilayan sa aksyon sa 93-89 panalo ng Gilas Pilipinas sa New Zealand.

Nagsumite si Quiambao ng walong puntos, limang rebounds at apat na assists habang nagdagdag naman si Amos ng tatlong puntos, dalawang rebounds at isang block.

Maliban pa sa tatlo ang presensiya ni Kai Sotto na malaki na ang ipinagbago ng kanyang laro kumpara sa mga nakalipas na laban ng Gilas Pilipinas. 

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with