MANILA, Philippines — Kinaldag ni International Master Chito Danilo Garma si Tomasz Sielicki ng Poland upang ikadena ang pangalawang sunod na panalo sa round 3 ng 32nd World Senior Chess Championships sa Hotel Baleira sa Porto Santo Island, Portugal.
Hawak ang itim na piyesa, tinapos ng 60-anyos na si Garma si Sielicki sa 35 moves ng Reti Opening upang ilista ang 2.0 points papasok sa fourth round.
Kasalo ng Pinoy woodpusher sa 11th place sina top seed Grandmaster Kiril Georgiev ng Bulgaria at GM Maxin Novik ng Lithuania.
Yumuko si Georgiev kay GM Boris Chatalbashev ng Denmark at kasiksikan rin ng huli sa top spot sina GM Victor Mikhalevski ng Israel at GM Michal Krasenkov ng Poland na may perpektong 3.0 points.
Samantala, nagwagi rin si IM Jose Efren Bagamasbad kay Hans Joller ng Switzerland via Sicilian Defense, Smith Morra Gambit.