7 kabayo sasabak sa Cojuangco Memorial Cup

MANILA, Philippines — Pitong mahuhusay na kabayo ang magkakasu­bukan sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na ila­lar­ga sa Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Sasali ang Andiamo A Firenze, Dreaming Always, Mano Dura, Midnight Cat, Most Grateful, Red Queen at Velvet Haze sa event na nakalaan ang P3 milyong guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Posibleng magpakitang gilas ang Andiamo A Firenze na sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate sa karerang may distansyang 2,000 metro.

Napipisil ng ibang karerista ang Dreaming Al­ways na rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Jonathan Basco Hernandez.

Ibubulsa ng winning horse ang P1.8 milyon, ma­pupunta sa se­cond pla­­cer ang P675,000, habang ang P375,000 at P150,000 ang ibibigay sa third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Masisikwat ng bree­der ng mananalong kaba­yo ang P150,000 kasunod ang P90,000 para sa se­­gunda at P60,000 sa ter­­sera.

Maliban sa nabanggit na stakes race, maghahanda rin ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ng mga balanseng regular races upang mapasa­ya ang mga kareristang mag­lilibang sa kaerahan.

Show comments