^

PM Sports

PBA imports kumpleto na

Russell Cadayona - Pang-masa
PBA imports kumpleto na
Akil Mitchell Meralco import

MANILA, Philippines — Halos kumpleto na ang mga imports na paparada sa darating na Season 49 PBA Commissioner’s Cup na didribol sa Nobyembre 27 tampok ang title defense ng San Miguel.

Si two-time PBA Best Import Rondae Hollis Jefferson ang muling gagabay sa TNT Tropang Giga gayundin si three-time Best Import awardee Justine Brownlee para sa Barangay Ginebra.

Ilang reinforcements din ang magbabalik sa mid-season conference kung saan walang height limit ang mga imports.

Ang mga ito ay sina Quincy Miller ng San Miguel, George King ng Blackwater at Ricardo Ratliffe ng Magnolia.

Mga bagong mukha ang isasalang ng Meralco, NorthPort, Converge, Rain or Shine, Phoenix at Terrafirma, habang nagha­hanap ang NLEX ng kapalit ni NBA veteran Ed Davis na nagkaroon ng family emergency sa US.

Sasandal ang Bolts kay 6-foot-9 American-Panamanian Akil Mitchell na gumiya sa kanila sa 81-80 panalo kontra sa reigning Korean Basketball League (KBL) champion Busan KCC Egis sa EASL.

Tinapik ng Batang Pier si 6’11 Kavell Bigby-Williams na dating miyembro ng Great Britain men’s national team at pinsan ni dating world heavyweight champion Lennox Lewis.

Kinuha ng FiberXers si NBA player Cheick Diallo at aasahan ng Elasto Pain­ters si dating Cameroonian national team member Kenneth Kadji.

Hinugot naman ng Fuel Masters si 6’9 Donovan Smith, samantalang sasan­dal ang Dyip kay da­ting Great Britain men’s national team member Ryan R­ichards.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with