^

PM Sports

UAAP swimming, athletics ililibre sa publiko sa New Clark City Sports Hub

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakakawalan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang Season 87 Swimming at Athletics Championships ngayong araw sa New Clark City Sports Hub sa Capas, Tarlac.

Libreng mapapanood ng publiko ang mga aksyon sa dalawang events at hindi na kailangang bumili ng tiket.

Ito ay bilang pagsuporta ng UAAP sa mga student-athletes na lumalaban para sa kanilang mga eskwelahan.

Idaraos ang swimming championships hanggang bukas sa state-of-the-art Aquatics Center, habang magtatapos ang athletics meet sa Huwebes sa Athletics Stadium.

Kabuuang 46 medalya ang pag-aagawan sa huling dalawang araw ng swimming meet.

Nakalatag naman sa athletics competition ang 26 collegiate events at 28 high school events sa huling tatlong araw kung saan ang magkakampeon ay madedetermina sa final day ng torneo.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with