Kings isinalba ni Fox sa Jazz
SACRAMENTO, Calif. — Naghulog si point guard De’Aaron Fox ng 49 points para banderahan ang Kings sa 121-117 pagpapatumba sa bisitang Utah Jazz.
Tumipa rin si Fox ng siyam na assists at dalawang steals para sa Sacramento (8-6).
Hindi naglaro sina DeMar DeRozan, Malik Monk at Domantas Sabonis.
Nag-ambag si Kevin Huerter ng 18 points.
Pinangunahan ni Lauri Markkanen ang Utah (3-9) sa kanyang 25 points habang may 19, 18 at 17 markers sina Keyonte George, Collin Sexton at Fil-Am Jordan Clarkson, ayon sa pagkakasunod.
Kumonekta si Fox ng tatlong three-point shots sa first period patungo sa pagtatala ng 26 points sa halftime para sa Kings na naghabol sa 78-89 para agawin ang 118-116 bentahe sa huling minuto ng fourth quarter.
Sa Boston, ipinasok ni Jayson Tatum ang isang 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer sa 126-123 overtime win ng Celtics (11-3) kontra sa Toronto Raptors (2-12).
Sa New Orleans, humakot si Anthony Davis ng 31 points at 14 rebounds sa 104-99 pagdaig ng Los Angeles Lakers (9-4) sa Pelicans (4-10).
Sa Dallas, kumamada sina Kyrie Irving at Daniel Gafford ng tig-22 points sa 110-93 panalo ng Mavericks (6-7) sa Victor Wembanyama-less San Antonio Spurs (6-8).
- Latest