Gilas big men tagilid sa FIBA ACQ

MANILA, Philippines — Posibleng numipis ang frontline ng Gilas Pilipinas matapos madale ng injuries sina Kai Sotto at AJ Edu sa huling laro nila sa Japan B. League bago ang break nito para sa ikalawang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Nadale ng panibagong knee injury ang 6-foot-10 na si Edu ng Nagasaki Velca habang nasa ilalim ng concussion protocols ang 7-foot-3 na si Sotto ng Koshigaya Alphas matapos ang matinding pagkakabangga sa B. League.

Inaasahang dumating sa bansa kahapon ang dala­wang higante ng Gilas sakto sa pagbubukas ng training camp sa pangu­nguna ni head coach Tim Cone sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“We’re in communication with the medical team of AJ in the B. League. We will make our assessment with our own trainers and medical staff and see from there. We’re still hopeful he can recover in time,” ani Gilas team manager Richard del Rosario sa press conference kahapon sa Cignal Studio sa TV5 Launchpad Building sa Mandaluyong.

Kay Sotto naman, bagama’t kailangan pang kumpletuhin ang protocols, ay umaasa ang Gilas na aabot ito

Ang injuries nina Sotto at Edu ang dahilan kaya dinagdag ni Cone sa pinala­king 15-man Gilas pool sina Japeth Aguilar, Mason Amos at isa pang naturalized player na si Ange Kouame.

Sasamahan nila sina Justin Brownlee, Scottie Thompson, Dwight Ramos, Chris Newsome, Carl Tamayo, June Mar Fajardo, Kevin Quiambao, Calvin Oftana, CJ Perez at Jamie Malonzo.

Sasagupain ng Gilas, hawak ang 2-0 kartada sa Group B, ang New Zealand sa Nobyembre 21 at Hong Kong sa Nobyembre 24 sa MOA Arena.

Show comments