SALT LAKE CITY — Bumira si Devin Booker ng 31 points at may 24 markers si Bradley Beal para gabayan ang Phoenix Suns sa 120-112 pagdaig sa Utah Jazz sa pagsisimula ng NBA Cup pool play.
Nagsalpak sina Booker, Beal at Grayson Allen ng pinagsamang 13 three-pointers para sa Suns (9-2) at kumolekta si Mason Plumlee ng 15 points at 14 rebounds kapalit ni injured center Jusuf Nurkic.
Pinamunuan ni John Collins ang Jazz (2-8) sa kanyang 29 points at 10 rebounds.
Nag-ambag si Kyle Filipowski ng 18 points at may 17 si Lauri Markkanen .
Naghabol ang Utah mula sa double digits deficit hanggang makalapit sa 83-89 matapos ang dunk ni Filipowski sa 10:18 minuto ng fourth period.
Kumonekta si Beal ng dalawang sunod na basket at ang back-to-back triples nina Royce O’Neale at Booker para ilayo ang Phoenix sa 110-98 sa huling 3:58 minuto.
Sa Boston, ang tip-in ni Onyeka Okongwu sa huling 6.1 segundo ang naglusot sa 117-116 panalo ng Atlanta Hawks (5-7) sa nagdedepensang Celtics (9-3).
Sa Detroit, ipinasok ni Malik Beasley ang isang tiebreaking free throw sa huling 1.1 segundo sa overtime sa 123-121 panalo ng Pistons (5-7) sa Miami Heat (4-6) sa NBA Cup game.
Sa Orlando, kumamada si Franz Wagner ng 32 points para akayin ang Magic (6-6) sa 114-89 paggupo sa Charlotte Hornets (4-7).