Gilas kakasa sa FIBA ACQ
MANILA, Philippines — Matinding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre 21 at 24 sa Malll of Asia Arena sa Pasay City.
Dahil dito, handa si naturalized player Justin Brownlee na muling mailabas ang pinakamatikas na porma nito upang tulungan ang Gilas Pilipinas na makuha ang panalo.
Ilang araw lamang ang pahinga ni Brownlee na galing sa pukpukang laban sa PBA Governors’ Cup kasama ang Barangay Ginebra kung saan natalo ito sa championship series laban sa Talk ‘N Text.
Nakatakdang magsimula ang training camp ng Pinoy cagers sa linggong ito sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
At umaasa si Brownlee na mabilis itong makakarekober bago muling sumalang sa matinding ensayo.
“We’ve got a few days before we go to training camp. So just get ready for that and prepare for the team and try to do our best,” ani Brownlee.
Partikular na tinukoy ni Brownlee ang New Zealand sa magiging matindi nitong karibal sa second window.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Nobyembre 21 bago sagupain ang Hong Kong sa Nobyembre 24.
“Definitely, you still got a responsibility to go out there and fight for the country. And we got two tough opponents in New Zealand and Hong Kong,” ani Brownlee.
Alam ni Brownlee na isa ang New Zealand sa may pinakamatikas na lineup sa FIBA world rankings.
Kaya naman kailangan ng Gilas Pilipinas na makuha ang perpektong kundisyon bago humarap sa Tall Blacks.
- Latest