CHICAGO — Kumamada si Donovan Mitchell ng season-high 36 points at inagaw ng Cleveland Cavaliers ang 119-113 panalo kontra sa Bulls para maging pang-walong NBA team na nagtala ng 12-0 season start.
Nagdagdag si Darius Garland ng 17 points para sa Cleveland na nakahugot kay center Evan Mobley ng 15 points at 11 rebounds.
Ang layup ni Garland sa huling 24 segundo kasunod ang dalawang free throws ni Mitchell ang sumelyo sa kanilang panalo.
Binanderahan ni Zach LaVine ang Chicago (4-7) sa kanyang 26 points.
Nauna nang kinuha ng Bulls ang isang nine-point lead sa huling 4:26 minuto sa third quarter bago humataw ang Cavaliers sa fourth period para sa kanilang panalo.
Sa Oklahoma City, bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 45 points sa 134-128 paggupo ng Thunder (9-2) sa Los Angeles Clippers (6-5).
Sa San Antonio, humakot si Victor Wembanyama ng 34 points at 14 rebounds para akayin ang Spurs (5-6) sa 116-96 pananaig sa Sacramento Kings (6-5).
Sa New Orleans, hinugot ni Cam Thomas ang 10 sa kanyang 17 points sa fourth quarter sa 107-105 pagtakas ng Brooklyn Nets (5-6) sa Pelicans (3-8).
Sa Houston, nagkuwintas si Alperen Sengun ng 27 points at 17 rebounds para pamunuan ang Rockets (7-4) sa 107-92 pagdaig sa Washington Wizards (2-7).