^

PM Sports

RHJ gustong bumalik sa NBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa
RHJ gustong bumalik sa NBA
Rondae Hollis-Jefferson

MANILA, Philippines — Bukas si Rondae Hollis-Jefferson na magbalik sa Talk ‘N Text Tropang Giga sa PBA subalit sa ngayon ay kinukunsidera niya ang pambihirang NBA comeback kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Yeah, for sure. It’s still the highest league in the world. It’ll always be in my mind,” ani Hollis-Jefferson matapos gabayan ang TNT sa kampeonato ng 2024 PBA Governors’ Cup.

“I feel like at a point in your life, God puts you where you need to be. He puts you where you need to be,” dagdag ni Rondae.

Matatandang anim na taong naglaro sa NBA si Hollis-Jefferson matapos maging No. 23 overall pick ng Brooklyn Nets noong 2015 NBA Draft bago dalhin ang talento sa pinakaunang professional league sa Asya noong nakaraang taon.

Nagpasiklab agad si Hollis-Jefferson sa kanyang PBA debut nang trangkuhan ang TNT sa 4-2 series win kontra sa noon ay reig-ning champion Barangay Ginebra sa pangunguna ni resident import at Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee.

Inulit ito ni Hollis-Jefferson nakaraang linggo bitbit ang parehong 4-2 series win upang maging 2-0 na sa finals duel kontra kay Brownlee, na tumalo sa kanya at sa Jordan national team noong 2023 Asian Games finals.

Bukod doon ay ang dalawang sunod na Best Import awards ng 29-anyos na all-around player at kung ito raw ang magiging daan niya pabalik sa NBA ay sisikwatin niya ito.

NBA

RONDAE HOLLIS-JEFFERSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with