FEU nakasilip pa ng pag-asa sa Final 4
MANILA, Philippines — Humihinga pa ang Far Eastern University sa asam nilang umusad sa semifinals matapos suwagin ang 65-54 panalo kontra Ateneo de Manila University kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.
Napaganda ng Blue Eagles ang kanilang karta sa 5-8, kailangan nilang maipanalo ang huling natitirang laro upang manatiling may pag-asa na makahirit pa ng puwesto sa Final Four.
Solo sa tuktok ng team standings ang defending champions Salle na may 11-1 record, nasa pangalawa ang University of the Philippines na tangan ang 9-2 card, pangatlo ang University of the East, (6-5) at pang-apat ang University of Sto. Tomas (5-7).
Ang natitirang laro ng FEU ay kontra UP sa susunod na Sabado sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.
Nagsisimula ng laruin ang mga postponed games, kung saan ay nasa pang lima ang FEU, naungusan nila ang Adamson University na may 4-7 card.
Nanganganib ang Ateneo na malaglag na sa kompetisyon sa hawak nilang 3-9 karta.
- Latest