^

PM Sports

JB reresbak kay Rondae

Chris Co - Pang-masa
JB reresbak kay Rondae
Ang Governor’s Cup champion TNT Tropang Giga kasama ang kani-kanilang pamilya.
PBA Image

MANILA, Philippines — Hindi pinalad ang Barangay Ginebra na maipu­wersa ang rubber match nang matalo ito sa Talk ’N Text Tropang Giga sa Game 6 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven championship series noong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Naasahan ng husto ng Tropang Giga si veteran import Rondae Hollis-Jefferson para makuha ang 95-85 panalo katuwang ang mga local players partikular na mula kay Finals MVP Jayson Castro.

Kaya naman desidido si Gin Kings import Justine Brownlee na makaresbak sa Tropang Giga at kay Hollis-Jefferson sa Commissioner’s Cup.

Aminado si Brownlee na mas maganda ang inilaro ng Tropang Giga sa series sa tulong ni Hollis-Jefferson.

“He fits that team very well, he definitely elevates them. They play better with him,” ani Brownlee.

Saludo si Brownlee sa magandang ipinamalas ni Hollis-Jefferson na isa sa tunay na nagpahirap sa Gin Kings sa buong panahon ng championship round.

Umaasa si Brownlee na muling magkukrus ang landas nila ni Hollis-Jefferson dahil desidido itong makabawi sa oras na magkita ang dalawa sa finals.

PBA

TROPANG GIGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with