^

PM Sports

2-2 tabla babasagin ng Ginebra, TNT

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-aagawan sa puro ang reigning champion Talk ‘N Text at crowd favorite Barangay Ginebra sa krusyal Game 5 ng kanilang 2024 PBA Go­vernors’ Cup best-of-seven finals series ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Aarangkada ang sagupaan sa alas-7:30 ng gabi tampok ang krusyal na 3-2 abante para sa makakalusot na koponan matapos mag-relyebo ang Tropang Giga at Gin Kings sa u­nang apat na duwelo.

Nabinyagan ng TNT ang Ginebra, 104-88 at 96-84, para sa noon ay higanteng 2-0 bentahe bago patunayan ng Gin Kings ang kanilang never-say-die mantra simula sa 85-73 panalo sa Game 3.

Nakatabla ang Ginebra sakay ng dominanteng 106-92 panalo sa Game 4 kung saan kumamada ng 34 puntos si Justin Brownlee upang purnadahin ang koronasyon ni Rondae Hollis-Jefferson bilang Best Import sa ikalawang sunod na Governors’ Cup.

Noong nakaraang season ay wagi din si Hollis-Jefferson bilang Best Import at champion pa ang TNT nang bigyan si Brownlee ng unang kabiguan sa pitong salang sa finals.

Tatangkain ni Brownlee na makalapit sa matagum­pay na paghihiganti kasama sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi at RJ Abarrientos.

At iyon ang inaasahan sa kanila ni coach Tim Cone lalo’t nasa kanila na ang momentum.

“This is the finals, it’s going to be a tough go offensively always in the finals. Everybody wants to win so badly that it’s never just about making shots,” ani Cone.

 Bagama’t nalustay ang malaking series lead at maisuko sa Ginebra ang momentum, determinado pa rin ang TNT ni coach Chot Reyes na sasandal kay Hollis-Jefferson sa tulong nina Calvin Oftana, Roger Pogoy, Poy Erram, Rey Nambatac, Jayson Castro at Kelly Williams.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with