Hawks tinapos ang 4-game losing slump
NEW ORLEANS — Bumanat si Jalen Johnson ng 29 points at tinapos ng Atlanta Hawks ang isang four-game losing skid mula sa 126-111 pagpulutan sa Pelicans.
Nagdagdag si Trae Young ng 23 markers para sa Atlanta (3-4), habang may 16 at 14 points sina Dyson Daniels at Larry Nance Jr., ayon sa pagkakasunod.
May injury sina starter De’Andre Hunter at rotation players Bogdan Bogdanovic, Vit Krejci at Kobe Bufkin.
Hindi naglaro si star forward Zion Williamson para sa New Orleans (3-4) dahil sa kanyang right hamstring injury kasama sina starters Dejounte Murray, CJ McCollum at Herb Jones at reserve Trey Murphy III.
Pinamunuan ni Brandon Ingram ang Pelicans sa kanyang 32 points, ngunit hindi ito sapat para talunin ang Hawks na may anim na players na may umiskor ng hindi bababa sa 11 points.
Isang 14-0 bomba ang inihulog ng Atlanta sa gitna ng fourth quarter para iwanan ang New Orleans sa 116-97.
Tampok dito ang three-point shot ni David Roddy at tatlong slam dunks ni Johnson.
Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 32 points, 9 rebounds at 7 assists para banderahan ang Mavericks (4-2) sa 108-85 paggupo sa Orlando Magic (3-4).
Nag-ambag si Daniel Gafford ng season-high 18 points para sa Dallas
Sa New York, tumipa si Cade Cunningham ng 19 points sa 106-92 panalo ng Detroit Pistons (2-5) sa Brooklyn Nets (3-4).
May tig-18 markers sina Tobias Harris at Malik Beasley.
- Latest