^

PM Sports

Mojdeh maraming natutunan sa World Cup

Chris Co - Pang-masa
Mojdeh maraming natutunan sa World Cup
Micaela Jasmine Mojdeh.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa kanyang unang pagsalang sa seniors division, nagparamdam agad ng presensiya si Micaela Jasmine Mojdeh kung saan nakapasok ito sa finals ng dalawang events sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup third leg sa Singapore.

Magandang inumpisahan ni Mojdeh ang kampanya nito matapos umabante sa women’s 200m butterfly finals sa opening day ng torneo.

Nagtala ito ng dalawang minuto at 16.58 segundo para masiguro ang tiket sa finals kasama ang pito pang matitikas na tankers kabilang ang kababayan nitong si SEA Games gold medalist Xiandi Chua.

Sa finals, tumapos si Mojdeh sa ikawalong puwesto matapos magsumite ng parehong 2:16.58 habang nasungkit ni Britanny Castelluzzo ng Australia ang gintong medalya tangan ang 2:03.44.

Nasa ikapito naman si Chua na may nailistang 2:14.10.

“Yung makapaglaro ka sa World Cup is already an achievement for me. Pero nung makapasok sa finals, sobrang saya ko dahil makakasabay ko yung malalakas na swimmers from different countries,” ani Mojdeh.

Sa ikalawang araw ng bakbakan, muling nagpasiklab ang Philippine national junior record holder na si Mojdeh nang makapasok ito sa finals ng women’s 400m Individual Medley.

Nagtala ito ng 5:04.19 sa finals habang napasakamay ni 2024 Paris Olympics silver medalist Katie Grimes ng Amerika ang gintong medalya bunsod ng nakuha nitong 4:24.19.

“Sobrang gandang experience ito for me dahil marami akong natutunan. Ibang iba ang level of competition sa seniors division. Kaya mas lalo akong magpupuprsige para mas mapaganda ko yung time ko for future international competitions,” dagdag ni Mojdeh na pambato ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST).

Nagpasalamat si Mojdeh sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanyang laban at nangakong mas lalo pang magsisikap upang mabigyan ng karangalan ang bansa.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with