^

PM Sports

Gin Kings didikitan ang Tropang Giga

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings didikitan ang Tropang Giga
June Mar Fajardo.
STAR/ Filer

MANILA, Philippines —Tatagay sa tabla ang Barangay Ginebra habang malakas na signal sa 3-1 ang pakay ng reigning champion TNT Tropang Giga sa krusyal na Game 4 ng 2024 PBA Governors’ Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang dalawang magkaribal sa alas 7:30 ng gabi pagkatapos ng inaabangan ding awar­ding ceremony para sa Best Player of the Conference at Best Import.

Pero nakatuon ang a­tensyon ng lahat sa Game 4 ng bakbakang Ginebra-TNT matapos makaiwas sa 0-3 pagkakalubog ang Gin Kings.

Semplang sa unang dalawang laban ang Ginebra, 104-88, 96-84, bago makabawi sa Game 3, 85-73, sa kabila ng limitadong produksyon ni Brownlee.

Nagkasya lang sa 18 puntos si Brownlee pero nakakuha ng 16 at 15 puntos na kontribusyon mula kina Maverick Ahanmisi at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunod.

Haharang sa kanilang daan ngayon sina Hollis-Jefferson, Calvin Oftana, Roger Pogoy, Jayson Castro, Rey Nambatac, Poy Erram at Kelly Williams.

Samantala, llamado sa BPC race si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer habang namumurong madepensahan ni Rondae Hollis-Jefferson ng TNT ang kanyang Best Import crown.

Bagama’t sibak na sa kontensyon ang Beermen ay nakaipon ng 44.8 statistical points si Fajardo sa likod ng 21.0 puntos, league-best na 16.4 rebounds, 3.1 assists at 1.0 tapal para mamuro sa kanyang ika-11 na BPC, pinakamarami sa kasaysayan ng PBA.

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with