^

PM Sports

BEST tankers tuloy ang ratsada sa Japan

Chris Co - Pang-masa
BEST tankers tuloy ang ratsada sa Japan
Inilabas ni Kristian Yugo Cabana ang buong puwersa nito para hakutin ang tatlong ginto sa boys’ 13-14 class sa ikala­wang araw ng kumpetisyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) nang sumisid pa ito ng apat na ginto sa pagpapatuloy ng 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginaganap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

Inilabas ni Kristian Yugo Cabana ang buong puwersa nito para hakutin ang tatlong ginto sa boys’ 13-14 class sa ikala­wang araw ng kumpetisyon.

Mainit na sinimulan ni Cabana ang ratsada nang mamayagpag ito sa 100m butterfly kung saan naitala nito ang 58.71 segundo para ilampaso sina silver medalist Nicolas Radzimski ng Poland na nagsumite ng malayong 1:02.16 at bronze medalist Luca Hashimoto ng Japan na may 1:05.03.

Muling umariba si Cabana nang pagharian nito ang 400m Invidual Medley at 100m freestyle para makumpleto ang three-event sweep.

“Hindi ko po ini-expect na makukuha ko lahat ng golds and I’m happy na nagbunga lahat ng pagsisikap ko sa training. Hopefully magtuluy-tuloy dahil may three events pa akong lalabanan,” ani Cabana.

Tatlo pang events ang lalahukan ni Cabana sa final day kung saan pakay nitong makuha ang ginto sa 100m backstroke, 200m butterfly at 200m IM.

Nagparamdam din ng puwersa si Therese Annika Quinto na umani ng isang ginto at isang tanso sa girls’ 13-14 division.

Nangibabaw si Quinto sa 200m backstroke matapos ilista ang 2:40.67 habang nakasiguro rin ito ng tanso sa 200m freestyle (2:29.08).

Maliban sa apat na ginto at isang tanso, may naibulsa rin ang BEST squad na isang pilak mula kay Juancho Jamon sa boys’ 10-under 50m backstroke at dalawang tanso mula kina Athena Custodio sa girls’ 13-14 200m backstroke at Behrouz Mohammad Madi Mojdeh sa boys’ 13-14 100m butterfly.

Sa kabuuan, may limang ginto, apat na pilak at apat na tanso na ang BEST tankers matapos ang dalawang araw na kumpetisyon na inaasahang madaragdagan pa sa final day.

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with