Thompson: walang susunod na ‘the fast and the furious’
MANILA, Philippines — Wala nang susunod pa sa mga yapak nina Barangay Ginebra legendary duo Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.
Ito ang parehong sinabi nina one-time PBA Most Valuable Player Scottie Thompson at rookie RJ Bautista ng Gin Kings sa paghahambing sa kanila ng mga fans sa tinaguriang ‘The Fast and the Furious’.
“Like I said sa mga previous interviews ko, hindi mo basta-basta kayang palitan ‘yun. Sila lang ‘yung Fast and Furious, not just sa liga natin but sa buong Pilipinas,” sabi ni Thompson sa tambalan nina Caguioa at Helterbrand.
Anim na PBA championship ang naibigay ng 44-anyos na si Caguioa, ang 2001 Rookie of the Year at 2012 MVP, at ng 48-anyos na si Helterbrand, hinirang na 2009 MVP.
“For now focus namin ‘yung team eh. For us na ganun na ‘yung nagiging tandem namin, siguro kailangan naming mas lumalim pa versus TNT,” wika ni Abarrientos.
Ang tandem nina Thompson at Abarrientos ng Ginebra ang makakatapat nina Jayson Castro at Roger Pogoy ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa Season 49 PBA Governors’ Cup Finals.
“Like kuya LA (Tenorio), ‘yung respeto na binibigay ko lang din sa mga players tulad ni kuya Jayson (Castro), sobrang thankful lang ako na makalaban siya at excited ako na magkita kami sa Sunday sa first game ng finals,” sabi ng pamangkin ni PBA great Johnny Abarrientos.
- Latest