^

PM Sports

GSM babawi sa TNT sa finals rematch

John Bryan Ulanday - Pang-masa
GSM babawi sa TNT sa finals rematch
Ang duwelo nina imports Justin Brownlee ng Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng TNT sa 2023 PBA Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isang linggong tigil-putukan muna bago magkadaupang-palad ang reigning champion na Talk ‘N Text at challenger na Barangay Ginebra sa inaabangang best-of-seven finale ng 2024 PBA Governors’ Cup.

Ayon sa inilabas ng schedule ng PBA, hindi agad-agad ang duwelo ng dalawang bida na sa Linggo pa maghaharap para sa Game 1 ng race-to-four titular showdown sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Sa Smart Araneta Co­liseum ang Games 2 hanggang Game 6 habang aakyat uli ang PBA sa Antipolo sa Game 7 kung sakaling hahaba ang serye.

Sa Game 4 sa Big Dome din igagawad ang Best Player of the Conference at Best Import awards. Bago iyon, idaraos ang finals press conference bukas sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Subalit bonus nalang iyon para sa mga manlalaro na nakatuon ang atensyon sa dikdikang rematch matapos ding magtuos para sa kampeonato noong nakaraang taon.

Matatandaang sinungkit ng TNT ang una nitong Govs’ Cup title sa naturang season matapos ang 4-2 series win sa noon ay four-time Govs’ Cup champion na Ginebra.

Wagi si Rondae Hollis-Jefferson bilang Best Import matapos bigyan ng unang kabiguan sa finals si resident Ginebra import Justin Brownlee na wagi sa kanyang unang 6 na finals.

Tila tadhana ang mu­ling paghaharap nila ngayon matapos kaldagin ang mga karibal sa semifinals sa pangunguna ng 4-1 series win ngTNT kontra sa Rain or Shine.

Hindi naman nagpahuli ang Gin Kings nang sibakin sa 6 games ang sibling rival na San Miguel Beermen matapos ang pambihirang 102-99 panalo sa Game 6.

Bukod sa imports, magpapangbuno rin sa inaasahang chess match sina Ginebra mentor Tim Cone at TNT coach Chot Reyes na pawang kasalukuyan at dating head coach ng Gilas Pilipinas, ayon sa pagkakasunod.

 Hindi rin papadaig ang local crew sa pamumuno nina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi at RJ Abarrientos kontra kina Calvin Oftana, Poy Erram, Roger Pogoy, Rey Nambatac, Kelly Williams, at Glenn Khobuntin.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with