^

PM Sports

Letran aahon sa butas kontra Baste

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Colegio de San Juan de Letran na makabangon mula sa tatlong dikit na kamalasan para palakasin ang tsansa sa Final Four.

Lalabanan ng Knights ang San Sebastian Stags ngayong alas-11 ng umaga sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sa alas-2:30 ng hapon ay magtutuos naman ang University Perpetual Help System DALTA Altas at Arellano University Chiefs.

Patuloy ang pagbandera ng St. Benilde tangan ang 10-2 record kasunod ang Mapua (10-3), nagdedepensang San Beda (8-5), Lyceum (6-6), Letran (6-6), Emilio Aguinaldo College (6-6), Perpetual (5-7), Arellano (4-8), Jose Rizal (3-9) at San Sebastian (3-9).

Nagmula ang Knights sa 78-86 pagyukod sa Cardinals, habang nakalasap ang Stags ng 94-101 kabiguan sa Generals sa kanilang mga huling laro.

Hindi nakapaglaro si star guard Jimboy Estrada sa nasabing pagkatalo ng Letran sa Mapua matapos patawan ng one-game suspension dahil sa dalawang unsportsmanlike foul sa kanilang naunang laban sa Perpetual.

Inaasahang muling gigiyahan ni Estrada ang Intramuros-based cagers sa pagharap sa San Sebastian.

Sa ikalawang laro, puntirya ng Chiefs ang back-to-back wins sa pakikipagkita sa Altas.

Umiskor ang Arellano ng 91-86 panalo sa Lyceum kung saan isinugod sa ospital si JM Bravo makaraang mawalan ng malay sa huling walong segundo ng laro.

Nakatakdang lumabas ang Pirates forward kahapon sa Cardinal Santos Hospital matapos dumaan sa CT scan at neurological assessment.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with