^

PM Sports

Lady Warriors, Tigresses kumana ng panalo sa SSL

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagulong ng University of the East ang College of Saint Benilde, 25-19, 25-18, 25-23 upang ilista ang unang panalo sa Pool E match ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Cham­pionship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Nagtulungan sa opensa sina Casiey Dongallo at Jelai Gajero para akayin ang Lady Warriors sa crunch time at patahimikin ang nag iisang NCAA team sa playoffs.

Tabla ang iskor sa 19 sa third set, pumalo ang Lady Warriors ng tatlong sunod na puntos upang hawakan ang 22-19 bentahe.

Humataw naman ng 3-1 ang Lady Blazers sa pangunguna nina Chenae Basarte at Clydel Catarig para tapyasin ang hinahabol sa isa, 22-23.

Iniskor ni Dongallo ang match point para sa UE habang si Gajero ang tumapos para yumuko ang reigning NCAA champion, CSB.

“Malapit na matapos ‘yung set and ‘di ‘yun ‘yung time na mag-relax pa kami. Kung patapos na we have to put all our effort na kasi lahat naman gusto nang manalo,” ani Do­ngallo.

Tumikada si Dongallo ng game-high 16 points mula sa 15 attacks at isang kill block para sa Benilde.

Nag-dagdag si Catarig ng 12 points.

Sa unang laro, itinuloy ng University of Santo Tomas ang kanilang ratsada matapos hiyain ang Ateneo de Manila University, 25-11, 25-20, 25-17.

Pinamunuan ni Angge Poyos ang opensa para sa Golden Tigresses sa inilistang 17 puntos lahat galing sa attacks.

 

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with