^

PM Sports

E-Painters, Beermen tatabla sa game 4

John Bryan Ulanday - Pang-masa
E-Painters, Beermen tatabla sa game 4
Muling magtutuos sina imports Aaron Fuller ng Rain or Shine at Rondae Hollis-Jefferson ng TNT sa krusyal na Game 4.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pupuro sa finals ang Ginebra at reigning champion Talk ‘N Text habang tatangkaing tumabla ng San Miguel at Rain or Shine sa krusyal na Game 4 ng 2024 PBA Governors’ Cup semifinals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Hawak ng Gin Kings at Tropang Giga ang 2-1 bentahe sa best-of-seven semifinal series at kung magwawagi ay makakalapit ng isang panalo nalang mula sa asam na tiket sa finals sa ilalim din ng best-of-seven format.

Nakatakda ang paghaharap ng Tropang Giga at Elasto Painters sa alas-5 ng hapon, bago susundan ng upakan sa pagitan ng Beermen at Gin Kings sa alas-7:30 ng gabi sa Big Dome.

Ito ay matapos ang dikit na 99-94 panalo ng Ginebra sa Game 3 sa Dasmariñas Arena sa Cavite upang maiganti ang maalat na 131-125 ovetime loss sa Game 2 noong nakaraang linggo.

Tumabo si resident import Justin Brownlee ng 30 puntos, 9 rebounds, 5 assists at 5 tapal sa naturang laro para ilapit sa isa na namang finals appearance ang Ginebra na ginabayan na niya sa 6 na PBA championships.

Wagi ang Ginebra ni Tim Cone sa Game 1, 122-105, at iiwas ngayon na maging palitan lang ang serye sa misyong makada­lawang sunod para sa komportableng 3-1 abante.

Pareho ang misyon ni reigning Best Import Rondae Hollis-Jefferson sa kabila ng pambihirang 110-109 kabiguan sa Game 3 para madiskaril ang tangkang 3-0 kartada kontra sa Rain or Shine.

Nadale ang Tropang Giga sa gabay ni Chot Reyes ng game-winning 3-point play ni Aaron Fuller sa huling 3.8 segundo para sa Rain or Shine, na hangad sakyan ang naturang momentum para maitabla ang serye.

Higanteng 0-3 deficit sana ang tinatanaw ng mga bataan ni coach Yeng Guiao ngayon kung hindi dahil kay Fuller na humakot ng 26 puntos at 16 rebounds kaya walang balak na magpaawat sa Game 4 sa tulong nina Jhonard Clarito, Gabe Norwood, Santi Santillan, Andrei Caracut, Felix Pangilinan-Lemetti at Adrian Nocum.

Sa kabila rin ng pagkatalo sa Game 3 ay determinado ang Beermen ni coach Jorge Gallent sa pa­ngunguna nina EJ Anosike, 8-time PBA MVP June Mar Fajardo, Terrence Romeo, CJ Perez, Marcio Lassiter at Jericho Cruz na makabawi sa Gin Kings.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with